KILALANIN ANG MGA ANAK NI PHILIP SALVADOR SA IBA'T-IBANG BABAE
KILALANIN ANG MGA ANA NI PHILIP SALVADOR SA IBA'T-IBANG BABAE
Si Philip Salvador ay isa sa mga hinahangaang aktor pagdating sa mga maaaksiyong pelikula. Karamihan sa kanyang mga kaibigan at katrabaho ay tinatawag siya sa kanyang palayaw na Ipe. Siya ay isa sa mga anak ni Lou Salvador na sinasabing may higit sa isang daang anak mula sa higit sa 40 mga babae. Marami rin siyang mga kapatid na nasa showbiz industry kagaya nina Alona Alegre, Leroy Salvador, Lou Salvador Jr., Jobelle Salvador, Ross Rival at Deborah Sun. Maging ang kanyang pamangkin na si Maja Salvador ay gumawa rin ng pangalan sa industriya.
Hanggang sa kalalukyan ay aktibo parin siya sa showbiz industry at tumanggap ng mga FAMAS awards sa kanyang mga nagawang mga pelikula mula dekada 80.
Dahil sa taglay niyang charisma sa mga kababaihan ay marami ring mga tagahanga at kapwa niya artista ang nagkagusto sa kanya. Kaya’t kagaya ng karamihan ay natukso rin siyang makipagrelasyon hindi lamang sa isa kundi may karamihan rin sa bilang kasama na ang queen of all media. Bagaman maraming mga babaeng napa ibig si Philip Salvador ay tatlo lamang sa ito ang nagkaroon siya ng anak.
Sa videong ito ay kilalanin natin ang mga anak ni Philip Salvador sa dalawang babae.
1. Denise Ysabel Salvador
Meet Denise Ysabel Salvador. Siya ay anak na babae ni Philip Salvador sa dating partner na si Vivialyn Dungca.
Noong lumabas ang mga larawan ni Denise ay naging usap-usapan ito dahil sa kanyang mala-italyanang ganda. Maliban sa ganda ng kanyang mukha ay di rin maiwasang Makita ng mga netizen ang magandang hugis ng kanyang katawan na pang celebrity ang datingan.
Nagtapos si Denise mula sa Holy Angel University sa Pampanga sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management.
Bagaman naghiwalay na ang kanyang mga magulang ay patuloy naman siyang minamahal at sinusuportahan ng mga ito sa pagtupad ng kanyang mga pangarap sa buhay.
Patuloy na umaasa ang maraming mga netizens ng pagpasok sa mundo ng showbiz ng mala italyanang anak ni Philip Salvador dahil tiyak na gaya ng kanyang ama ay gagawa rin ito ng sariling pangalan.
2. Joshua Aquino Salvador
Maliban kay Denise ay may isa pang anak si Philip mula dating naging partner niyang si Kris Aquino. Ito ay si Joshua. Kamakailang lamang ay nagkaroon ng isyu ang anak nina Kris at Philip ng pagkakabuntis umano nito ng kanyang girlfriend. Pinabulaanan naman ito ni Kris at sinabing fake news ang nasabing pag iintriga sa kanyang anak. SI Joshua ay 25 taong gulang na sa kasalukuyan.
Maliba sa dalawang nabanggit ay may mga anak pa si Philip kay Emma Ledesma na siyang kasalukuyang asawa ni Philip Salvador. Ito ay sina Barbara Salvador, ang kanyang panganay na anak na babae kay Emma, Luis Salvador, ang panganay naman sa lalaki at ang si Michelle Salvador.
Ang mga anak ni Philip kay Ema ay Lubhang napaka pribado ng mga pamumuhay kaya’t maging sa mga social media ng kanilang mga magulang ay hindi sila makikita.
👇🔔 Click the link below! SUBSCRIBE HERE for more videos:
https://www.youtube.com/c/SamAnnesTVSubscribe4More
💛 Check out our TOP PLAYLIST - more videos for you to enjoy here:
CELEBRITY NEWS
https://www.youtube.com/watch?v=TesmhHlEDH4&list=PLFSCB-hLH8thTFmBppdC7vwrLCs7n11th
MGA ANAK SA IBA'T-IBANG BABAE
https://www.youtube.com/watch?v=j7J4fuiK_bQ&list=PLFSCB-hLH8tgKcPZMIAavoRt27Du5d0KW
TOP 5/ TOP 10 LIST
https://www.youtube.com/watch?v=cJjWpHu02CA&list=PLFSCB-hLH8tgnFwSX6p9tFxZEnByYSt63
👍📢 If you enjoyed our video LIKE and SHARE this and tell us if you have any VIDEO REQUEST. We'd love to see your comments below!
💕 Connect & Follow us HERE:
✔️TWITTER: https://twitter.com/SamAnnesTV
✔️INSTAGRAM: https://www.instagram.com/samannes_tv/
✔️ FACEBOOK: https://web.facebook.com/subsc....ribeToOurYoutubeChan
#Subscribe4More
#LikeAndShare
SORT BY-
Top Comments
-
Latest comments